#htmlcaption1 Getting the pulse on what's now. Going to places. #htmlcaption2 Capturing moments.

Huwebes, Abril 24, 2014

of SECOND CHANCES (inside Borongan city jail)



Everybody deserves second chances. Pero hindi lahat ay nabibigyan ng panibagong pagkakataon sa buhay. Only those  who truly deserve it and are willing to use the chance to make their lives better.

A very good example of second chances and holding on to it ay ang sikat na sikat na ngayong dancing inmates ng Cebu. Sa halip na magmukmok at maging desperado sa buhay dahil sa kinasadlakan nila, ginamit nila ang second chance na ibinigay sa kanila. Ini-entertain nila ngayon ang buong mundo sa pamamagitan ng internet sa iba't-ibang dance moves na gnagawa nila. Ang mga katulad nilang may mga pinagdadaanan sa buhay ay nakapagbibigay ngayon ng ngiti at saya sa napakaraming tao. Kasabay nito, natutulungan nila ang kanilang pamilya sa kanilang 'talent fee' sa tuwing dinarayo ang kanilang kulungan ng mga dayuhan at lokal na turista upang mapanood ang kanilang sayaw.

Hindi kayo naiiba sa kanila. Maaaring naghihimas kayo ngayon ng rehas na bakal, nalulungkot dahil malayo sa pamilya, but you were given this chance under the Alternative Learning System ng DepEd para kayo matuto sa buhay, magkaroon ng edukasyon and make better of yourselves na sya nyong magiging armas paglabas niyo sa kulungan. There is an stigma para sa mga 'laya'. The society will name you names but don't be discouraged. What you learned here could very well change the way society will look at you after serving time in prison.

There is no glory in what you have done na dahilan kung bakit kayo nandito sa loob. I would not even justify it. But it is not also for us to judge you. We are not in a position to make conclusions and to judge your character dahil hindi namin alam at wala kaming ideya kung ano ang pinagdaanan nyo at anong mga pangyayari ang nagtulak sa inyo para gawin ang inyong mga nagawa. Ang mahalaga ay matuto kayo mula sa pagkakamali at pagsikapang huwag nang ulitin pang magkasala.  Kung nadapa ka, bumangon ka at ang pagtatapos niyo ngayon ay senyales ng inyong unti-unting pagbangon.

Katawan niyo lang ang nakakakulong. Ang inyong isip, diwa at puso ay malaya. tandaan niyo yan. You are free to learn, read, dream and wish for as long as you want to. Libre kayong maglakbay sa malalayong lugar sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro. Mararating niyo ang anumang gusto niyo sa buhay by believing that you can, and you will. Isa sa mga susi diyan ay ang pag-aaral kahit nasa loob kayo ng kulungan.

Life is all about second chances. Siguro naman pamilyar kayo sa pelikulang Iron Man. Yung bida nyan, si Robert Downey Jr ay naging pariwara ang buhay. Labas-masok sa rehabilitation centers at kulungan dahil sa pagdo-droga at anupang mga kasalanan. He was given a second chance to make a film. At mula noon, palaging no 1 sa takilya ang mga ginawa nyang pelikula. Siya ngayon ang highgest paid actor sa Holywood and his was the most successful comeback in the film industry. Hindi niya sinayang ang kanyang second chance.

Si Manny Pacquiao, tinalo sa una nilang laban ni Desert Storm Timothy Bradley, pero binigyan siya ng second chance at hindi na nagkaroon ng tsansa si Bradley na talunin siya sa ring. Ang kauna-unahang pagkatalo ni  Bradley sa larangan ng boxing ay naranasan niya sa pambansang kamaong si Manny Pacquiao. Hindi sinayang ni Manny ang kanyang second chance.

Hindi niyo kailangang maging Iron Man at maging Pacman para magtagumpay at malampasan ang mga pagsubok sa inyong buhay.  You just have to be yourself and believe that you can make your life turn around for the better.

Huwag niyong sayangin ang pagkakataong matuto at magkaroon ng kaalaman sa buhay. Huwag niyong sayangin ang inyong second chance sa buhay. 

biyahera's note:
( A message I delivered during the Borongan City Jail graduation ceremony (the first of its kind inside the jail ) under DepEd's Alternative Learning System which I am personally advocating and supporting. Thanks to the ALS team, BJMP, the graduates and my media friends for introducing me to this laudable program. I'm in awe! )       












'No matter how hard the past was,
you can always begin again'
- unknown







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento