#htmlcaption1 Getting the pulse on what's now. Going to places. #htmlcaption2 Capturing moments.

Lunes, Nobyembre 4, 2013

PRUTASARAPSA



Mahilig akong kumain. Sino ba ang hindi? Mahilig din akong magluto at mag-imbento ng kung anu-anong recipe  para sa sariling panlasa, at minsan, panlasa ng iba.






May mga prutas na mura at kung saan-saan lang makikita. Ngunit mayroon ding mga prutas na di karaniwang mabibili sa mga palengke at  fruit stand sa tabi-tabi ng kalsada. May mga prutas din na mahal, di ‘keri’ ng bulsa ng mga nagba-badyet na ina.


Isang araw sa Divisoria, may nakita akong isang aleng nagtutulak ng kariton ng prutas. Tumpok-tumpok ang bentahan (mas mura kaysa por kilo, patok na patok sa bulsa).


P100 lang ang isang tumpok ng Dragon fruit ( 3 piraso) at P50 naman ang isang tumpok ng Strawberry.


HETO ANG RESULTA:





  


PAANO GAWIN:

-balatan ang Dragon fruit at tilarin ang laman nito sa laki o liit na gusto mo. 
-hatiin ang Strawberry  (o buo. Depende sa tipo mo)
-paghaluin ang Dragon fruit at Strawberry sa isang bowl
-budburan ng konting asin at konting putting asukal
-lagyan ng all-purpuse cream (na tipo mo at swak sa iyong panlasa)
-palamigin bago kainin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento