#htmlcaption1 Getting the pulse on what's now. Going to places. #htmlcaption2 Capturing moments.

Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

AFTER THE STORM

'There are some things you learn best in calm, and some  in storm'  
 -Willa Cather


Haiyan's wrath in the provinces of Cebu, Eastern Samar and Southern Leyte captured in gripping images. Lives bent but not torn apart. Hands of compassion extending from near and far. Faith tested to its very core. Truly, the FILIPINO spirit is incomparable and unbreakable.

 
 
God sends the dawn
that we might see
the might-have-beens
that still might be.  
~Robert Brault



PHOTO CREDITS:  Oko Francisco/ Ian Traqua/ ASC commsgroup

























Huwebes, Nobyembre 21, 2013

THROUGH THE EYE OF A STORM

Villaba, Leyte





Palompon, Leyte





Isabel, Leyte





 Calubian, Leyte





Ormoc City







'Perhaps our eyes need to be washed by our tears 
once in a while, so that we can see life 
with a clearer view again'
-Alex Tan



Photo credits: Senyor Rey Martinez, Cebu





Sabado, Nobyembre 16, 2013

TATAG at TIBAY ng LAHING PILIPINO








Sunod-sunod na kalamidad. Sandamakmak na trahedya. Lindol, baha, gulo, bagyo. Mga pangyayaring dulot ng kalikasan at gawa ng tao. 











 


Ito ang lumumpo sa Pilipinas sa nakaraang mga linggo, ito din ang sumusubok sa tatag at tibay ng lahing Pilipino.













Di mabilang na larawan ng pagdurusa, mga pusong nangungulila, mga buhay na naglahong parang bula, walang kasiguruhang umaga.  









 




Mga musmos at matatandang nangangailangan ng kalinga, mga panaghoy at impit na iyak ng mga damdaming halos sa kawalang pag-asa ay sumabog na.





















Ngunit sa kabila ng lahat nang ito ay ang pagdagsa ng mga kapwa Pilipino at ibang lahing nagmamalasakit, nagmamahal, nagdudugtong buhay at nag-aalay ng dasal. 







Mga taong hindi alintana ang pagod, gutom, hirap, at sariling kapakanan upang umagapay sa mga buhay na pansamantalang inilugmok ng tadhana. 














Sa paglipas ng araw, unti-unting mapapalitan ang dilim, ng liwanag. Ang luha, ng ngiti. Ang pighati, ng kasiyahan. Ang pag-iisa, ng yakap ng mga minamahal. Ang pagkakawalay, ng muling pagkikita at pagdadaupang-palad. Ang bangungot, ng  magandang panaginip. Ang pagtaghoy, ng halakhak na walang kasing tamis.












Hindi sumusuko, palaban, matatag, matibay ang lahing Pilipino. Tulad ng kawayan, sumasayaw sa hangin, yumuyukod sa bagyo at nakikipagsalimbayan sa unos ng buhay.











 


Tunay ngang hindi kayang igupo ng anumang dilubyo ang lahing kayumanggi. Hindi kayang buwalin ng kahit anumang  bagyo ang tibay ng dibdib ng mga Pilipino.










Kasabay ng bagong umagang darating, ang pag-asa sa bawat pusong dinurog ng mga pagsubok, ang muling pagbangon, ang pagbuo ng panibagong pangarap, at ang walang pagsidlang pasasalamat sa mga alaalang iniwan ng mga sinawimpalad.






Sama-sama, tulong-tulong, kapit-kamay, tayong lahat ay MULING BABANGON.






Dahil walang katulad ang TIBAY, TATAG at PANANAMPALATAYA ng LAHING PILIPINO!



 WARAY ini! PINOY kami!






 Photo Credits: Mar Guidote/ Tito Po/ AFP News/ Rita Oram/ Diocese of Borongan/ PIA TAcloban/Uswag San Poli/ Nun Benitez