Viva! Viva! Reviva
An kaudgananan nira
Nira Mr and Mrs ________
Nga nagpapasalamat
Nga hin-abutan pa
han tuig dos mil katorse
VIVA!!!!
Eto na naman ang aalingawngaw sa tahimik na baryo ng Natividad sa bayan ng San Policarpo, lalawigan ng Silangang Samar.
Eksaktong alas-dose ng hatinggabi, sa pagpapaalam ng kasalukuyang taon at pagdating ng panibago, ang katahimikan ng gabi ay pinupunit ng sigaw at ingay ng mga bata at matatandang lalaki na nagpapanatili ng tradisyon ng VIVA REVIVA na nakagisnan na maging ng mga kanunu-nunuan ng Natividad.
Dala-dala ang mga kaldero, hila-hila ang mga pinagtali-taling lata ng sardinas, ihip ang mga torotot, bitbit ang mga niyupi-yuping yero, mga boteng may lamang bato at iba pang bagay na maingay, nililibot ng grupo ang buong baryo simula sa bahay kung saan naninirahan ang pinakamatanda sa lugar at nagtatapos sa tahanan ng pinakamusmos sa barangay.
Ang aking tiyuhing si Kuya Andres ang nakagisnan ko nang pasimuno ng VIVA REVIVA. Kasama ang iba pang mga taga baryo na hanggang ngayon ay patuloy na bumubuhay sa tradisyon na tanging ang Natividad lang ang mayroon. Sama-sama, sabay-sabay na bigkas. Ito ang bersyon ng pamamaskong pagsalubong sa bagong taon.
Tuloy-tuloy, walang pahinga, walang humpay ang VIVA REVIVA hangga't maubos nang 'pag-ingayan' ang lahat ng bahay, maliit man o malaki, nasa may dagat man, sa maybukid o sa sentro. Kaya naman ang bawat tahanan ay naghahanda ng kahit anong makayanan gaya ng kakanin, inumin, pulutan o pera para maibigay sa grupo nina Kuya Andres na halos mawalan na ng boses sa unang araw ng bawat bagong taon.
At dahil bawat taon ay nadadagdagan ang kabahayan, halos pasikat na ang araw kung magtapos ang VIVA at saka paghahati-hatian ng mga sumama sa pag-iingay ang saku-sakong napag-vivahan sa buong barangay.
At dahil bawat taon ay nadadagdagan ang kabahayan, halos pasikat na ang araw kung magtapos ang VIVA at saka paghahati-hatian ng mga sumama sa pag-iingay ang saku-sakong napag-vivahan sa buong barangay.
Walang makapagsabi sa aking mga ninuno kung kailan eksaktong nag-umpisa ang tradisyon ng VIVA. Mula sa aking pagkabata, namulat na ako sa kakaibang ingay ng pagsalubong sa bagong taon. Sa ngayon, may manaka-naka nang putukan ng kwitis at makukulay na pailaw dahil sa epekto na dala ng modernong panahon, ngunit tumitigil ang mundo ng mga residente kapag sasapit na ang bagong taon. Ang lahat ay nagbibigay-pugay sa kulturang hindi mamatay-matay hanggang sa ngayon.
Simple lang ang mensahe ng VIVA REVIVA. ito ay pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyayang natamo sa paalis na taon. Ito din ay pagpapasalamat sa pagkakataong muling masalubong ang pagdating ng bagong taon na may galak sa puso at walang hanggang pag-asa.
Ngayon higit kailanman, mas magiging makahulugan ang VIVA REVIVA dahil nalagpasan at napagtagumpayan ng mga taga Natividad ang bangis at dilubyo na hatid ng bagyong Yolanda.
Ayon sa diksyunaryo ang ibig sabihin ng VIVA na salitang kastila at Italyano ay 'pagsaludo' at 'masigabong palakpak'. Ang REVIVA naman ay salitang Hebrew na ang ibig sabihin ay 'dew', 'mist' o 'hamog' sa wikang Pilipino.
Akmang-akma. Saktong-sakto. Ang VIVA REVIVA ay pagsaludo at pagbibigay ng masigabong palakpak sa pagdating ng hamog ng bukang-liwayway ng isang masaganang bagong taon.
Akmang-akma. Saktong-sakto. Ang VIVA REVIVA ay pagsaludo at pagbibigay ng masigabong palakpak sa pagdating ng hamog ng bukang-liwayway ng isang masaganang bagong taon.
The best is yet to be
- Robert Browning
Photo credits:
Top picks & Best bargains/ viewsfromaseafrontbeachhut/ 1234newyear.com/hhdwallpapers.com