Dagdag-kita ng mga taxi driver (P50 bawat isa)
Pila
ng taxi sa kahabaan ng Regalado Avenue, tapat halos ng FEU Hospital sa
Fairview, Quezon City. Dapit-hapon. Normal ang eksena. Mga pasaherong isa-isang
sumasakay sa taxi. kalabog ng pintuan ng mga sasakyan, barker na nagtatawag ng
mga pasahero at buga ng usok ng mga humahareurot na makinang papunta sa
patutungtuhan.
Ordinaryong
larawan ng araw-araw na pakikibaka sa buhay, Yun ang aking inakala. Hindi pala.
Sa likod ng pila at huntahan ng mga taxi drivers, may kakaiba akong napansin.
Dalawang taxi driver na may hawak na gunting at kulay berdeng plastik ng
Mountain Dew softdrink. kulay neon green.
Ayon
kay Mang Estong Pastrana, isa sa dalawang gumagawa ng naturang produkto, anim
na buwan na nila itong ginagawa bilang pandagdag kita lalo na kung matumal ang
kanilang pasada. Sa 300 na miyembro ng Roadrunners Taxi Drivers Association sa
Fairview, anim na drivers ang kumikita ng extra sa pagawa ng naturang display.
Dalawang
piso bawat bote ng plastik ang bili ng mga drivers, Kinse pesos naman ang isang
balot ng mga mumunting plastic ng bulaklak at paru-paro na idinidikit nila sa
mga dahon at sanga ng display. P25 hanggang P50 ang bentahan sa bawat produkto.
May kamahalan kung tutuusin, ngunit ang panahon at dedikasyon na ginugugol nina
Mang Estong sa paggawa nito ay hindi matutumbasan ng salapi.
Biyahera;: Bakit nyo po naisipang gumawa ng ganyang produkto?
Mang Estong:Kasi no choice kami. Mahirap kasi ang biyahe ngayon
Biyahera: Ilan kayong gumagawa nyan?
Mang Estong: Anim po kami. Lahat ,mga taxi drivers.
Biyahera: sinu-sino po ang bumibili ng gawa nyo?
Mang Estong: Karamihan ho taxi drivers. Yung iba, mga pribadong tao. Minsan yung mga pasahero, binibili nila yung display doon mismo sa taxi. Binebenta po ng driver ng mataas. Yung P50 na bili nila samin, pinatutubuan nila ng P50. Bale, isang daan ang benta nila kapag nagustuhan ng pasahero. Tapos, yung driver, bibili ulit samin. Gumugulong ang pera.
Biyahera: Ilan po ang nagagawa nyo sa isang araw?
Mang Estong: Minsan lima, anim. depende kung medyo matumal ang biyahe.
Biyahera: Mula po nung umpisahan nyong gawin itong mga halamang display na yari sa plastik, magkano na po ang kinita nyo?
Mang Estong: Nakapagbenta na po ako ng mga halagang P20,000. Napakalaking tulong na po sa aking pamilya ng benta namin. Yung pang-ulam at pambili ng bigas sa araw-araw, solve na.
Biyahera: Yung kita nyo po ba sa pagbebenta ay napupunta sa pondo ng asosasyon?
Mang Estong: Hindi po, sarili na naming diskarte ito.Kumikita na, nakakatulong pa kami sa kalikasan kasi ginagawa naming pang-display yung mga plastik na patapon na.
Yan si Mang Estong, Yan ang Pinoy. May sipag at determinasyon. Hahanap at hahanap ng paraan para mabuhay ng marangal ang pamilya.
Mang Estong: oo nga pala ma'am, yung mga gawa namin, umiilaw yan kapag madilim.
'you have to, in any way
trust in the human spirit
and human ingenuity'
-Ariel Garten